
Cauayan City โ Ibinida sa Pansi Festival ng Cabagan, Isabela at ipinagmamalaki nilang pansit cabagan at Kalesa Culture.
Pinagsaluhan ng mga residente at bisita ang mala-dambuhalang bilao na naglalaman ng pansit cabagan na niluto ng 26 na barangay na kayang mapakain ang nasa 1000 tao.
Maliban sa ipinagmamalaking pansit, tampok rin sa kapistahan ng Cabagan ang kanilang ginagamit bilang transportasyon, ang Kalesa,
Ang Kalesa ay bahagi ng kultura at tradisyon ng mga Pilipino kaya naman ipinagmamalaki ng bayan ng Cabagan na magpasa hanggang ngayon ay napapanatili pa rin nila ang Kalesa Culture.
Kilala rin ang bayan ng Cabagan bilang isa may pinakamaraming bilang ng Kalesa na ginagamit bilang transportasyon sa buong lambak ng Cagayan.
Samanatala, nagpapatuloy ang selebrasyon ng kultura at tradisyon sa bayan ng Cabagan kaya naman inaanyayahan ang lahat na bumisita at tunghayan ang kanilang natatanging pagdiriwang.