Patuloy na gumugulong sa Sangguniang Panlungsod sa Dagupan City ang panukalang libreng pamamahagi ng reflectorized vest para sa mga tricycle drivers.
Layunin ng panukala na masiguro ang kaligtasan ng mga tricycle drivers sa lungsod tuwing gabi.
Malaking kabawasan rin umano ito kung sakali sa gastusin ng mga tricycle drivers na sapat lang din ang kinikita sa pang araw-araw.
Samantala, isa rin ipinanawagan ng mga tricycle drivers sa lungsod ay ang pag adjust sa kanilang fare matrix dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments