Nakatakdang ihain sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang isang ordinansang magbabawal sa Dagupeños lalo na ang mga bata sa pagligo sa mga tubig baha sa lungsod.
Kasunod ito ng napapansing pagligo ng mga bata sa mga binabahang lugar sa lungsod sa tuwing tag-ulan at sinabayan pa ng hightide.
Ayon kay SP member Michael Fernandez, halo-halo ang pinagmumulan ng tubig baha na may banta sa kalusugan.
Samantala, nakatakda itong maisama sa agenda sa susunod na session upang pag-usapan ang kabuuang nilalaman ng ihahaing ordinansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments