𝗣𝗔𝗡𝗨𝗞𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟𝗜𝗦𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗕𝗢𝗥𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗗𝗜𝗡𝗜𝗗𝗜𝗡𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗥𝗔

Patuloy pa rin na dinidinig sa kamara ang ukol sa panukalang batas na nagsusulong sa legalisasyon ng diborsyo sa bansa.

Ayon sa inihayag ni Gabriela Women Partylist Representative Arlene Brosas sa panayam nito sa IFM News Dagupan, mula sa naitalang survey noong taong 2015, lumalabas umano na marami sa mga Pilipino ang pabor sa pagsasabatas ng diborsyo sa bansa kung saan nasa animnapu hanggang pitumpu ang porsyentong nakalap.

Patuloy ang pagdinig nito at nasa plenaryo kung saan pinagdedebatehan pa at umaasa naman ang naturang partylist na uusad na ang usapin sa second reading.

Samantala, maaari rin umanong makatulong ang pagsasabatas sa legalisasyon ng diborsyo sa bansa sa pagprotekta sa mga kababaihang may asawang mapang-abuso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments