𝗣𝗔𝗡𝗨𝗞𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗢𝗡 𝗡𝗔 𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗦𝗞 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧

Iginiit ni Sen. Imee Marcos ang patuloy na pagsulong sa ipinapanukalang pagpapalawig ng termino ng Barangay at Sangguniang Kabataan Council, kasabay nito ang pagdalo sa naganap na City Fiesta ng Urdaneta City, Pangasinan, nitong ika-1 ng Disyembre.

Sa panayam ng media sa senador, sinabi nito na inaasahan niya ang pagkakasundo-sundo ng mga miyembro ng senado kaugnay sa pagtataguyod ng naturang usapin.

Sa ilalim ng panukala, ang anim na taong termino ay magsisimula pagkatapos ng Halalan sa 2029 Barangay and SK Elections.

Aniya, mas mainam kung ilaan sa taumbayan ang perang magagastos sa eleksyon lalo na at may kalakihan umano ang inaasahang budget dito.

Samantala, magpapatuloy pa ang mga talakayan sa senado alinsunod sa pagsusulong ng naturang Senate Bill.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments