𝗣𝗔𝗡𝗨𝗞𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗙𝗔𝗥𝗘 𝗠𝗔𝗧𝗥𝗜𝗫 𝗔𝗧 𝗜𝗕𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nagsagawa ng public hearing ang Sangguniang Panlungsod ng San Carlos City sa mga apektadong sektor hinggil sa nakatakdang pagpapatupad ng bagong fare matrix at iba pang regulasyon para sa mga pampasaherong tricycle sa lungsod.

Sa ilalim ng bagong panukala, nasa PHP 20 ang minimum fare sa unang apat na kilometro at karagdagang PHP 2 para sa mga susunod na kilometro.

Dapat din na ipatupad ang diskwento para sa mga senior citizens, estudyante at Persons with disabilities na 20 percent samantalang 50 percent naman ang discount para sa mga batang pasahero edad anim pababa.

Mahigpit na ipapatupad ang pagbabawal sa overloading na dapat hindi hihigit sa apat na pasahero ang maximum capacity, maging ang pagpipintura ng mga traysikel depende sa itinakdang kulay ng LGU kada Barangay upang manatili lamang na pumasada sa mga nakatakdang ruta.

Layunin ng bagong panukala sa lungsod na maiwasan ang pananamantala sa mataas na singil sa pasahe lalo na sa mga kolorum. Aabot sa 30 araw na suspensyon ng prangkisa at Mayor’s permit ang sinumang lalabag sa naturang panukala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments