Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang nalalapit na pagdating ng Papal Nuncio o ang kinatawan ng Santo Papa sa bansa na si Archbishop Charles John Brown sa darating na March 18.
Ito ay para sa magaganap na ordinasyon ni Episcopate of Bishop-elect na si Rev. Fr. Napoleon Sipalay Jr., sa Minor Basilica of the Holy Rosary of Manaoag.
Inaasahan ang paglahok ng mga obispo mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa bilang tinuturing itong malaking kaganapan para sa simbahang Katolika.
Alinsunod dito, tiniyak ni Mayor Rosario ang pamamahala sa kaligtasan, kaayusan at seguridad para sa naturang kaganapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments