𝗣𝗔𝗥𝗔𝗔𝗡 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬

CAUAYAN CITY – Nagkaroon ng pagpupulong kamakailan lamang ang health expert sa probinsya ng Cagayan upang talakayin ang iba’t ibang estratehiyang makatutulong sa pagpapababa sa kaso ng dengue.

Layunin ng isinagawang Dengue Mortality meeting na matukoy ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga pasyente, gayundin ang mga kaparaanan na maaari pang gawin upang hindi na tumaas pa ang bilang ng mortality nito.

Batay sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, umakyat na sa bilang na 875 ang kaso ng tinamaan ng dengue sa Cagayan mula Enero hanggang Hulyo 2024.


Tinitingnan namang dahilan ng pagtaas ng kaso ay ang naranasang mga pag-ulan gayundin ang hindi malinis na kapaligiran.

Kaugnay nito, ipinanawagan ngayon sa mga namumuno sa eskwelahan na tiyaking malinis ang paaralan upang maging ligtas ang mga estudyante sa banta ng dengue lalo na ngayong pasukan.

Facebook Comments