𝗣𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗧𝗨𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Pinasinayaan ng Lokal na Pamahalaan ng Cabatuan, Isabela kasama ang Department of the Interior and Local Government – Region 2 ang bagong Pasalubong Center nito lamang ika-8 ng Agosto.

Sa mensahe ni Assistant Regional Director Elpidio Durwin, binigyang diin nito ang kahalagahan ng naturang proyekto.

Aniya, simbolo ito ng pag-unlad at daan upang mapagtibay ang lokal na turismo, agrikultura, at ekonomiya sa nasabing bayan.


Samantala, pinasalamatan naman ni Mayor Bernardo Garcia Jr. ang DILG Region 2 dahil sa patuloy na suportang ibinibigay ng Kagawaran.

Facebook Comments