Sabay-sabay na binuksan at Pinailawan ang Paseo De Belen sa 31 barangay sa Dagupan City noong araw ng biyernes kasabay ng Christmas Lighting sa higanteng Christmas Tree sa City Plaza at Pailaw sa Quintos Bridge.
Sa Barangay Bolosan, Sako, styro foam, at iba’t-ibang recyclable materials ang ginamit sa pagbuo ng life size figures sa kanilang belen.
Umabot ng labindalawang araw ang pagbuo ng naturang Belen kung saan makikita ang Patron ng Lungsod na si St John the Evangelist.
Bida naman ang Malalaking parol sa Barangay ng Mamalingling na gawa ng mga kalahok sa taunang parol making contest.
Samantala, bukas ang mga ito mula alas sais ng gabi hanggang alas dose ng hatinggabi para sa mga nais mamasyal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments