𝗣𝗔𝗦𝗞𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗔

Dagsa na ngayon pa lang ang mga itinayong Christmas Village at Christmas Carnivals ng ilang mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan.
Nauna nang nagdeklara ng “Paskuhan” sa kanilang mga lugar ang mga bayan ng Bayambang, Sta. Barbara, Calasiao, Lingayen, Mangaldan, Binalonan at San Carlos City.
Iba pang mga lugar sa probinsya ay abala na rin na mag setup ng kanilang pang surpresa at magiging atraksyon sa mga nasasakupang residente maging sa mga turista at bisita.

Samantala, makatutulong naman ang selebrasyon ng Paskuhan sa lalawigan ng Pangasinan pagdating sa pagtataguyod ng turismo at ekonomiya ng probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments