
βCauayan City – Inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Labor Advisory No. 12, Series of 2025 na nagtatakda ng mga alituntunin sa sahod bukas Pebrero 17, 2026, na idineklara bilang special (non-working) day para sa selebrasyon ng Chinese New Year, alinsunod sa Proclamation No. 1006.
β
βLayunin ng advisory na malinaw na maipabatid sa mga kumpanya at empleyado ang tamang paraan ng pagbabayad sa mga manggagawa sa araw ng pista.
β
βAyon sa DOLE, kung ang empleyado ay hindi magtatrabaho sa nabanggit na araw, umiiral ang βno work, no pay.β
β
βGayunpaman, maaari pa ring bayaran ang empleyado kung may umiiral na polisiya ng kumpanya o kasunduan sa collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng kabayaran sa special day.
β
βPara sa mga magtatrabaho sa Chinese New Year, may karagdagang 30% sa kanilang basic wage para sa unang walong oras ng trabaho.
β
βKung ang empleyado ay magtatrabaho nang lampas sa walong oras, may dagdag na 30% sa hourly rate ng basic wage para sa bawat sobrang oras.
β
βKapag ang special day ay kasabay ng rest day ng empleyado, mas mataas ang karagdagang bayad. Ang unang walong oras ay babayaran ng 50% dagdag sa basic wage, habang ang oras na lampas sa walong oras ay may dagdag na 30% sa hourly rate.
β
βPinapaalalahanan ng DOLE ang lahat ng kumpanya at empleyado na sundin ang itinalagang alituntunin sa pagbabayad upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at masiguro ang proteksyon sa karapatan ng manggagawa.
β
βSource: RTWPB REGION 2
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan









