𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗔𝗥𝗘𝗠 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗔𝗧

Kinumpirma sa IFM Dagupan ni Police Major Arturo Melchor, ang hepe ng Mangatarem PNP na umabot na sa apat ang namatay sa naganap ng aksidente sa bayan kamakailan.

Ito ay matapos mamatay sa isang pagamutan ang huling pasyente kahapon.

Ayon sa Hepe, sinampahan na din ng kaukulang kaso ang driver ng kotse na bumangga sa Tricycle ng mga biktima.

Matatandaan na naganap ang aksidente nitong lunes sa bahagi ng Bogtong Silag sa nasabing bayan na agad na ikinamatay ng Isa habang isinugod sa pagamutan ang tatlong iba pa na sakay ng Tricycle.

Sinasabing nakainom ang driver ng sasakyan na residente ng bayan ng Mangatarem ng maganap ang aksidente.

Patuloy naman ang paalala ng mga otoridad ng ibayong Pag iinit sa mga BUMIBIYAHE sa mga pangunahing lansangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments