𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗙𝗜𝗘𝗦𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗡𝗔𝗣𝗣𝗔𝗖𝗖𝗨 𝗣𝗘𝗤𝗨𝗘Ñ𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗔

CAUAYAN CITY- Abala ang pamunuan ng Brgy. Nappaccu Pequeño, Reina Mercedes, Isabela sa paghahanda ng kanilang kapistahan sa darating na ika-25 hanggang ika-27 ng Agosto taong kasalukuyan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Arnel Reyes, kabilang sa paghahandang ginagawa nila ay ang mga venue na gagamitin at pag-solicit ng badyet para sa karagdagang pondo ng kanilang pista.

Aniya, bagama’t bahagyang nahirapan sila sa pagkumbinsi sa mga sasali sa Miss Napaccu Pequeño ay siniguro naman ng kanilang pamunuan na magiging masaya at makabuluhan ang kanilang kapistahan ngayong taon.


Dagdag pa niya, ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng kolaborasyon ang Barangay at Nappaccu Pequeño Elementary School na magkakaroon ng Search for King and Queen.

Facebook Comments