𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗚𝗔𝗟𝗟𝗢𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚𝗔𝗠𝗕𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘

Pinangangambahan ng mga residente Barangay Cabayaoasan, Bugallon ang patuloy na pagbaha sa kanilang barangay dulot ng Bagyong Pepito.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng lebel ng tubig sa creek ng Cayanga-Hacienda-Portic-Umanday noong lunes dahilan mg pagbaha sa ilang barangay kasama na ang Cabayaoasan.

Ayon kay Brgy. Captain Marlyn Garbo, sila umano ang sumasalo ng tubig mula sa mga matataas na bahagi ng bayan, kaya’t pahirapan para sa kanila ang paglilinis ng mga inaanod na water lilies na bumabara sa pag-agos ng tubig.

Aniya, ang Sitio Dorongan ang nauunang nadadaanan ng tubig baha bago bumaba sa ilang sitio ng barangay. Bagamat sanay na sa pagbaha ang mga residente ang iniisip ng mga ito ang kalusugan ng mga bata at matatanda na maaring maapektuhan sa tuloy tuloy na pagbaha.

Wala namang naitalang lumikas mula sa nasabing Barangay sa nagdaang bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments