Siniguro ng pamunuan ng San Roque Power Corporation o SRPC ang patuloy na pagsusuplay nito ng kuryente at pagpapatubig sa lalawigan sa gitna ng nararanasang El Niño.
Ayon kay SRPC Vice President for Corporate Social Responsibility Tom Valdez, nakakapagsuplay, aniya, ng 115 megawatt sa grid ang power plant. Ito ay sapat naman diumano para masuplayan ang pangangailangan ng mga konsyumer.
Samantala, sa kabila ng patuloy na pananalasa ng dry spell pumalo naman sa 36,000-40,000 na ektarya ng mga taniman sa lalawigan ang nasuplayan nito sa nagdaang anihan.
Dagdag pa, na ang lebel ng dam ay nasa 230.45 meters above sea level (masl), kung saan posible ang pag-abot nito sa critical level na 225 masl.
Dahil dyan, kung sakaling umabot naturang critical level ng tubig ang dam, mas mapapaaga diumano ang isasagawa nitong maintenance shutdown sa ika-6 ng Mayo. Ngunit, pinawi nito ang pangamba ng mga konsyumer ng kuryente, dahil ang maintenance shutdown ay normal naman na ginagawa.
Samantala, patuloy naman na umaasa ang pamunuan ng SRPC na magkaroon na ng ulan upang mapunan ang lebel ng dam at hindi na umabot pa sa hindi inaasahang pangyayari. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨