𝗣𝗔𝗬-𝗢𝗨𝗧 𝗡𝗚 𝟰𝗣𝗦 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗥𝗜𝗘𝗦, 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

CAUAYAN CITY- Napamahagian ng bagong emv cards ang mga 4Ps beneficiaries sa Lungsod ng Cauayan ngayong araw, ika-17 ng Hulyo sa FL Dy Coliseum.

Sa panayam ng IFM News Team kay PDO2 City Link Romarson Salviejo, sa set 12A sa Lungsod ay nasa 1,363 beneficiaries ang napamahagian ng nasabing cards kung saan kasabay na rin nito ang pay-out sa mga ito.

Aniya, sa buong Lungsod ng Cauayan ay mayroong mahigit tatlong libong 4Ps beneficiaries kabilang na rito ang bagong saltang 1,363 benepisyaryo.


Sinabi pa nito na kada dalawang buwan ang pay-out ng mga benepisyaryo.

Ayon naman kay Ginang Rosalyn Balmores, malaking pasasalamat nito sa programa dahil napabilang siya rito kung saan magagamit niya ang nakuhang pera para pambili ng gamit pang-eskwela ng kanyang mga anak.

Facebook Comments