𝗣𝗕𝗕𝗠, 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗔𝗬𝗨𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝟭𝟬,𝟬𝟬𝟬 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Aabot sa 10,000 magsasaka at mangingisda sa Ilocos Region na naapektuhan ng El Niño phenomenon ang tumanggap ng ayuda mula kay Pangulong Bong Bong Marcos Jr. Sa isinagawang distribusyon ng ayuda sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen, Pangasinan nasa 339,540 ,000 ang halaga ng tulong sa mga benepisyaryo.

184.99 milyon dito ang mula sa Office of the President at 46 milyon mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD sa ilalim ng programang Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP.

Namahagi rin ang Pangulo ng hauling truck, tractors, corn sheller at iba pang kagamitang pansaka sa mga magsasaka. Ang magsasakang si Manuel Chua mula sa bayan ng Bayambang, isa sa mga makakagamit ng corn harvester na ipinamahagi ng Pangulong Marcos Jr.

Ayon sa kaniya, makakatipid umano ang mga ito sa labor cost at mas mapapadali ang pag harvest ng kanilang pananim na mais at palay.

Mensahe nito sa Pangulo ngayong araw ng kaniyang State of the Nation Address (SONA), magtuloy-tuloy ang pagtulong sa mga magsasakang Pilipino.

Ayon sa Pangulo, sa kanilang datos nasa mahigit limang daan at limampu’t siyam na milyon ang naging pinsala ng El Niño sa agrikultura ng Ilocos Region kung saan dalawampung libong magsasaka at mangingisda ang apektado.

Bago magtungo sa Pangasinan ang Pangulo, pinasinayaan nito ang Sulvec Small Reservoir Irrigation Project (SRIP) sa Pasuquin Ilocos Norte na mabebenepisyuhan ang pagbibigay ng patubig sa 1,000 magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments