Personal na iniabot ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr. ang tulong sa mga Pangasinenseng naapektuhan ng sunod-sunod na Bagyo sa Narciso, Ramos Sports Complex, Lingayen Pangasinan, kahapon.
Nasa higit 50 milyon ang ipinamahagi nito sa limang libong pangasinense, partikular ang mga magsasaka, mangingisda at livestock raisers ang tumanggap ng tig-sampung libo.
Matatandaan na lubhang naapektuhan ang sektor ng agrikultura sa lalawigan dulot ng bagyong Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel at Pepito na pumalo sa 982 million pesos.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa natanggap nilang tulong na magagamit nila sa muling pagbangon.
Matatandaan na bumisita rin si PBBM sa Pangasinan, noong Hulyo kung saan namahagi ito ng aabot sa 186.7 milyong pisong tulong sa mga naapektuhan ng El Niño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨