Dahil sa layuning makamit ang isang daang porsyento ng pagiging drug clear status sa lalawigan ng Pangasinan mas pag-iibayuhin pa ng PDEA Pangasinan ang kampanya nito kontra iligal na droga.
Sa pangunguna ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan Director Retchie Camacho ay kanyang tiniyak na mas pag-iigtingin pa ng hanay ng PDEA ang kampanya nito kontra droga kung saan tiwala ito na makakamit ang 100% na status.
Aniya, nobentay dos porsyento (92%) o katumbas ng 1,157 na barangay na ang drug-cleared mula sa 1,272 drug-affected barangay sa probinsiya.
Sa pagpasok aniya ng taong 2024, tiwala itong malilinisan ang mga barangay na apektado ng droga.
Bagamat mahaba ang mga hakbang upang maideklara ang isang lugar o Barangay na drug-cleared ay may mga lugar pa rin ang kinakaya at ginagawa ang kanilang makakaya upang maisumite lahat ng requirements o dokumento. Layunin ng masusing balidasyon ng ahensya ay upang matiyak na wala na ngang natirang droga sa idineklarang drug-free barangay.
Hinihimok naman ng ahensya ang publiko na makiisa sa kampanya sa iligal na droga upang mas mapadali ang target ng PDEA na maging malaya sa droga ang probinsiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨