Nagbigay ng kasiguraduhan ang hanay ng PDEA Pangasinan na sinusunod nila ang tamang protocols pagdating sa pagdi-dispose ng mga nakukumpiska nilang marijuana plants sa tuwing may nagaganap na operasyon.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay PDEA Pangasinan Provincial Officer Richie Camacho, hanggang maaari ay nakasuot na dapat ang lahat ng kasama sa operasyon ng pagdidispose sa mga marijuana plants ng mask o protective gear bago pa ito sunugin para masigurong hindi nila direktang nalalanghap ang usok na nagmumula rito.
Dagdag pa nito na may mas iba pa silang operasyon na mas malala pa umano lalo na sa mga trek boundaries ng Lingayen kaya minsa ay hindi rin umano ito maiiwasan dahil hindi rin naman nila kontrolado ang hangin at pati na rin sa kagustuhan na tuluyan ng masunog ang mga naturang marijuana plants.
Sa ngayon, patuloy ang kampanya ng hanay laba iligal na droga at pati na rin mga buy bust operations nang sa gayon ay tuluyan nang mapuksa ang ganitong klase ng ilegal na gawain. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨