𝗣𝗗𝗘𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗚 ‘𝗠𝗔𝗚𝗜𝗖 𝗠𝗨𝗦𝗛𝗥𝗢𝗢𝗠’ 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗜-𝗔𝗗𝗩𝗘𝗥𝗧𝗜𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢’𝗬 ‘𝗧𝗛𝗘𝗥𝗔𝗣𝗘𝗨𝗧𝗜𝗖 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗙𝗜𝗧𝗦’ 𝗡𝗜𝗧𝗢

Nagbigay paalala ang tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 sa pagkalat ng ‘magic mushrooms’ matapos mahuli ang pitong drug personalities kabilang ang isang foreign national sa ikinasang buy-bust operation sa isang beach resort sa Bacnotan, La Union.

Ayon sa ahensya, hinihinalang may laman na “magic mushroom” ang mga nakumpiskang lollipop, chocolate bar at gummy bears. Ipinakilala ng mga naarestong suspek ang paggamit nito dahil sa therapeutic benefits umano nito sa pamamagitan ng microdosing o paggamit ng kapiraso para sa medicinal purposes at isinusulong pa ng ilang social media influencers bilang soul therapy umano sa mga yoga session.

Ang naturang “magic mushroom” ay nagtataglay ng pinaghalong marijuana joints, kush, ecstasy, cocaine at mapanganib na droga na psilocybin na tinutukoy bilang illegal substance sa Pilipinas.

Hinihikayat ng PDEA Ilocos Region na ipaalam sa kanilang tanggapan ang mga ganitong insidente sapagkat ipinagbabawal ang pagbebenta, paggamit, pagpapamudmod at pagpaparami ng naturang ilegal na droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments