Nanawagan ang Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa mga Pangasinense na iwasan ang prank calling sa hotline na Pangasinan 911.
Kasunod ito ng natatanggap umanong mga tawag ng tanggapan bagamat hindi naaayon sa layunin nitong tumugon sa mga krimen, kalamidad, aksidente o anumang emergency cases.
Pakiusap ni Provincial Government Assistant Department Head ng PDDRMO Avenix Arenas na huwag paglaruan ang Pangasinan
Samantala, matatandaan na naitatag ang Pangasinan 911 kasabay ng pagbubukas ng Response Command Center noong ika-29 ng Agosto ng nakaraang taon na may layong mapabilis ang pagtugon sa mga emergency cases sa lalawigan ng Pangasinan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments