𝗣𝗘𝗡𝗥𝗢, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗟𝗨𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗡𝗢

Patuloy na nananawagan ang Provincial Environment and Natural Resources Office para sa mga higit pang boluntaryo upang makipagtulungan sa pagtatanim ng puno, sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa isang panayam kamakailan, bibigyang diin ni PENRO forester Raymond Rivera, ang kahalagahan ng pagtatanim ng puno sa harap ng patuloy na nararanasang tag-init. Aniya, napagtanto na ng ilan ang kahalagahan nito, ngunit maaaring makalimutan ulit kapag bumaba na ang temperatura. Dagdag pa niya rito, pansamantala lamang ang ulan at lamig, at babalik din ang mainit na panahon.

Sa ngayon, sa patuloy na pagsisikap ng mga kalahok at mga kawani ng pamahalaan, umabot na sa 180,558 tree seedlings ang naitanim sa lalawigan mula February 1, 2023 hanggang April 29, 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments