𝗣𝗘𝗥𝗠𝗔𝗡𝗘𝗡𝗧 𝗘𝗩𝗔𝗖𝗨𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗦, 𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗜 𝗚𝗢𝗩. 𝗗𝗔𝗫 𝗖𝗨𝗔

CAUAYAN CITY – Nagpahayag ng suporta si Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) at Quirino Governor Dakila “Dax” Cua sa planong pagpapatayo ng permanent evacuation centers.

Ayon kay Gov. Cua, malaki ang maitutulong ng mga ipapatayong permanent evacuation centers sa panahon ng kalamidad at sakuna hindi lamang sa kanyang nasasakupan kundi maging sa lahat ng lugar sa bansa.

Dagdag pa ni Cua, sa ganitong paraan maiiwasan na ang paggamit ng mga paaralan na siyang nagiging dahilan minsan ng pagkaabala ng klase maging ang paggamit ng barangay halls bilang temporary shelters ng mga apektadong indibidwal.


Kaugnay nito, nasa huling pagbasa na ang Senate Bill 2451 o ang Ligtas Pinoy Centers kung saan nakasaad dito na ang konstruksyon ng bawat evacuation centers ay typhoon-resilient at earthquake-proof at dapat ay kumpleto sa kagamitan gaya ng sleeping quarters, kitchen at dining areas, health care station, at communication equipment.

Facebook Comments