Wednesday, February 18, 2026

𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗦 𝗗𝗘𝗣𝗥𝗜𝗩𝗘𝗗 𝗢𝗙 𝗟𝗜𝗕𝗘𝗥𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔, 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢


Cauayan City – Nabigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa lalawigan ng Nueva Vizcaya sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment–Nueva Vizcaya Field Office (NVFO).

Isinagawa ang programa katuwang ang Bureau of Jail Management and Penology, Provincial Jail, at mga lokal na Public Employment Service Office (PESO) kung saan umabot sa 123 PDL mula sa Provincial Jail at BJMP ang nakinabang sa programa.

Nagsagawa ng monitoring ang DOLE NVFO TUPAD Coordinators upang tiyakin ang pagsunod sa mga alituntunin ng programa, beripikahin ang aktibong partisipasyon ng mga benepisyaryo, at masiguro ang maayos na pagsasagawa ng kanilang mga gawain.

Sa kabila ng kanilang pagkakakulong, nakilahok ang mga PDL sa iba’t ibang gawaing pangkomunidad tulad ng community gardening, paglilinis ng kalsada at bangketa, declogging ng kanal, at waste management, dahilan upang sila ay kumita ng pera.

Sa pamamagitan ng TUPAD, patuloy na isinusulong ng DOLE–NVFO ang rehabilitasyon at pagpapalakas ng komunidad sa buong Nueva Vizcaya.
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments