Thursday, January 22, 2026

𝗣𝗘𝗥 𝗞𝗜𝗟𝗢 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗛𝗢𝗡𝗚, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔 𝗣𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗣𝗘𝗦𝗢𝗦

Bumaba pa ang bentahan sa kada kilo ng tahong ng hanggang bente pesos sa wet market sa Dagupan City.

Mula ₱80 na dating presyuhan nito, ngayon ay nasa ₱60 na.

Mangilan-ngilan din ang bentahan ay nasa ₱50 kada kilo, karagdagang sampung bawas presyo mura sa orihinal na selling price.

Sa dami naman ng produksyon nito, ilang vendors ay isinadsad na sa ₱40 ang presyuhan sa nasabing produkto.

Samantala, nananatiling safe for human consumption o ligtas ang mga shellfish dahilan na malaya ang karagatan sa lalawigan ng Pangasinan sa red toxic tide. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments