
Cauayan City – Ipinagkaloob ng DOLE Regional Office II sa PESO City of Ilagan ang pagkilala bilang Top Performer sa 1st Class City Category para sa Referral at Placement Services na ginanap sa STAR Night sa Widus Hotel, Clark Freeport Zone, Pampanga.
Ang parangal ay patunay ng mahusay na serbisyo ng PESO Ilagan sa pagtulong sa mga naghahanap ng trabaho at sa mga employer na makahanap ng karapat-dapat na manggagawa sa pamamagitan ng mabilis at maaasahang placement services.
Sa epektibong labor supply at demand, nakakatulong ang opisina sa pagbawas ng unemployment at pagpapalakas ng lokal na workforce.
Ang pagkilalang ito ay hindi lamang tagumpay, kundi patunay rin ng positibong epekto ng PESO Ilagan sa komunidad at sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya.
Source: Peso Cityofilagan Isabela
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









