Matapos maaprubahan ang Phase 1 ng Bayambang Pump Irrigation Project ng National Irrigation Administration (NIA) Region 1, pinulong ang mga kinatawan ng benepisyaryong Barangay sa bayan ng Bayambang.
Sa naturang pulong, tinalakay ng mga kawani ng NIA Region 1 ang nasa dalawampu’t dalawang mga punong-barangay mula sa mga barangay ng bayan na pagtatayuan ng irigasyong ito ng ahensya.
Nagkakahalaga ang proyektong ito na nasa ₱40-Milyong kung saan nasa 1, 600 na ektarya ng sakahan ang maaari mapatubigan mula sa mga barangay ng bayan.
Tinalakay sa pulong ang pre-engineering permits gaya ng Environmental Compliance Certificate (ECC) mula sa DENR-Environmental Management Bureau (EMB) maging ang Initial IEC/Social Preparation Activities.
Isinagawa rin ang presentasyon ng proyekto bago ang pagsusumite ng aplikasyon para sa proyekto.
Samantala, ito ang mga barangay na napili para sa proyekto gaya ng Brgy. Amancosiling Norte at Sur, Wawa, Buayaen, Dusoc, Sancagulis, Bical Norte at Sur, Tatarac, Apalen, Pangdel, Inanlorenza, Tanolong, Bani, Asin, Ligue, Tococ West, Sapang, Duera, Banaban, Amanperez, at Alinggan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨