Inihayag ng pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Region 1 na mayroon itong ipagkakaloon na benepisyo sa mga pasyente na nasa hospital na tinamaan ng mga karaniwang sakit na nakukuha sa panahon ng tag-ulan.
Ayon kay PhilHealth Region 1 Public Affairs Unit Head Joseph Manuel, nasa higit 150% ang itinaas na benepisyo o ang icocover ng pamunuan sa hospital bills ng isang pasyente na PhilHealth member.
Ilan sa mga nabanggit na sakit na may umento sa benepisyo ang bayarin sa Dengue illness na mula P10, 000 ay tumaas ito sa P30, 000. Kabilang din dito ang mga sakit na Leptospirosis, Cholera, Diarrhea, Gastroenteritis, Bronchitis at Malaria.
Samantala, Ang sakit na breast cancer, mula sa P100k na benepisyo, ay nasa P1.4M na rin ang maaaring maavail lalo na sa mga contracted facility ng ahensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨