Handa na ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) Pangasinan sa kinakailangan at posibleng pagresponde kasunod ng nararanasang epekto ng Bagyong Enteng sa ilang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan.
Nakaantabay na rin ang Coast Guard Station Pangasinan Deployable Response Group o DRG sakaling makatanggap ng anomang emergency dulot ng epekto ng bagyo.
Tiniyak ang kahandaan ng mga rescue equipment at first aid, maging ang mga radio communication devices upang maayos ang daloy ng pakikipag-ugnayan sa bawat kawani nito.
Samantala, paalala ng PCG na sumangguni lamang sa mga sub-station ng PCG sa mga munisipalidad at lungsod sa lalawigan sakaling maranasan ang hagupit ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments