
Cauayan City — Aprubado na sa Senado ang Senate Bill No. 1509, o mas kilala bilang Philippine Geriatric Center Act, na layong magtatag ng tertiary specialty hospital na nakalaan para sa pangangalaga at serbisyong pangkalusugan ng mga nakatatandang Pilipino.
Ang panukalang batas ay isinulat ni Senator Risa Hontiveros, bilang tugon sa lumalaking pangangailangan ng bansa para sa mas komprehensibo at angkop na serbisyong medikal para sa mga senior citizen.
Sa ilalim ng panukala, itatatag ang Philippine Geriatric Center na magsisilbing pangunahing institusyon para sa geriatric care, upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga senior citizen.
Mahalaga ang batas na ito upang matiyak na may sapat, abot-kaya, at dekalidad na serbisyong pangkalusugan ang mga nakatatanda, lalo na sa tumataas na bilang ng elderly population sa bansa.
Matapos ang pag-apruba sa Senado, inaasahang isusulong ang mga susunod na hakbang upang ganap na maisabatas ang panukala at maipatupad ang mga probisyong magpapalakas sa pangangalaga sa kalusugan ng mga senior citizen.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










