𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔-𝗙𝗨𝗟𝗟 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗦 𝗡𝗔, 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗦𝗞𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Nagsimula na noong alas 12:01 ng hating-gabi, ika-15 ng Disyembre ang pagiging Full Alert Status ng Philippine National Police.
Layunin ng status na ito ay upang maging handa at masiguro ng kapulisan ang kaligtasan ng mga taong kanilang nasasakupan ngayong yuletide season.
Ayon sa PNP Headquarters, may humigit-kumulang 40,000 na mga pulis ang idideploy sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Samantala, dito sa lalawigan ng Pangasinan, bago pa man isalalim sa full alert status ang ahensya tiniyak na ng kapulisan sa probinsiya sa pangunguna ni PNP Pangasinan Provincial Director PCol. Jeff Fanged ang ligtas at seguridad sa mga pasyalan sa probinsiya.
Matatandaan ding mahigpit ang paalala ng kapulisan sa mga taong mananamantala gaya na lamang ng mga magnanakaw, mandurukot at mga akyat-bahay na huwag ng gumawa ng masasamang bagay ngayong Pasko at Bagong taon.
Huwag na aniyang haluan ng masasamang gawain ang kapanganakan ni jesus bagkus gumawa ng mga magagandang gawain at ipadama ang tunay na diwa ng pasko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments