Pagbuo sa Philippine Plan of Action for Nutrition o PPAN ang estratehiya ngayon ng National Nutrition Council o NNC upang matukoy ang sitwasyon ng bansa pagdating sa nutrisyon.
Sa paliwanag ni OIC National Program Coordinator ng NNC R1, Kendall Pilgrim Gatan sa ginanap na Broadcasters Forum para PPAN 2023-2028, layon ng naturang polisiya at planong ito na maresolba ang lahat ng uri ng malnutrisyon sa pamamagitan ng mga estratehiya tulad ng mas malusog na diet, maayos na nutrition practices, mas madaling access at maayos na kalidad sa nutrition services sa mga prayoridad na indibidwal.
Dapat rin umano na mapalaganap sa mga Pilipino ang tamang impormasyon pagdating sa tamang pangangalaga sa katawan.
Kung kaya’t isa rin sa kanilang naging aksyon ang pakikipag-ugnayan sa mga media practitioners upang sila’y matulungan na mabigyan ng boses ang kanilang adhikain sa pagpapabuti ng kalusugan ng mamamayan.
Kasabay sa naturang forum ang pagsasagawa ng Pledge of Commitment ng mga media practitioners na miyembro ng KBP Pangasinan Chapter na siyang makatutulong sa NNC na mabigyan ng boses ang kanilang adhikain na mapabuti ang kalusugan ng mga Pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨