Ganap ng batas ang Philippine Salt Industry Development Act o ang nagsusulong sa pagpapalakas pa ng salt industry ng Pilipinas matapos itong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nito lamang March 11, ngayong taon.
Pangungunahan ng Department of Agriculture (DA) ang bubuuing “Salt Council” sa pagtitiyak ng pagpapatupad ng salt roadmap, at pamamahala sa modernisasyon at industriyalisasyon ng salt industries sa bansa.
Kasunod pa nito ang pagkakaroon ng Philippine Salt Industry Development Roadmap na tututok sa magpapatuloy na implementasyon ng Republic Act No. 8172 o Asin Law (An Act for Salt Iodization Nationwide).
Kaisa naman ang lalawigan ng Pangasinan sa mga lugar sa buong bansa na nananatiling top salt producer at may pagtugon sa salt crisis na kinakaharap ngayon sa pamamagitan ng Salt Farm Industry ng Pangasinan na kailan lamang ay nakapagharvest ng 10,000 metric tons ng asin noong nakaraang taon lamang. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨