π—£π—›π—œπ—Ÿπ—¦π—¬π—¦ π— π—’π—•π—œπ—Ÿπ—˜ π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘, π—£π—”π—§π—¨π—Ÿπ—’π—¬ 𝗑𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—žπ—”π——π—” 𝗦𝗔 π— π—šπ—” 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘

Nagpapatuloy ang pag-iikot ng pamunuan philippine statistics authority o psa sa mga barangay ng pangasinan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residenteng hindi pa nakapagparehistro sa Philippine Identification System o PhilSys.

Mayroong itinatakda bawat araw ang pamunuan ng partikular na barangay sa mga munisipalidad na siyang tutunguhin ng mga residente upang makapagparehistro.

Isinasagawa sa ngayon ang pagpaparehistro partikular na sa mga barangay ng malasiqui, asingan, bayambang, bolinao, binmaley, sto. Tomas, san jacinto, mabini, calasiao, lingayen, pozorrubio, natividad, at mangaldan.

Inaanunsyo ng kagawaran ang mga barangay na pupuntahan nito para sa registration sa kanilang facebook page na philsys pangasinan.

Samantala, muling paalala ng psa sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang double registration dahilan na maaaring magdulot ito ng delay o pagkaantala sa standard verification process. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments