𝗣𝗛𝗜𝗩𝗢𝗟𝗖𝗦 𝗜𝗡𝗙𝗢𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦 𝗡𝗚 𝗢𝗖𝗗 𝗥𝗢𝟭, 𝗜𝗕𝗜𝗡𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥𝗦 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Isinagawa ang isang PHIVOLCS InfoPress ng ahensya na pinangunahan ng Office of the Civil Defense Region I.

Lumahok ang mga DRRM officers mula sa lalawigan ng Pangasinan at La Union, mga information officers ng mga lokal pamahalaan, regional line agencies maging mga media practitioners ng rehiyon.

Layon nitong maibaba sa mga kawani ang mga impormasyon napapatungkol sa mga geologic hazard at pagbibigay diin sa kahalagahan ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng bawat isa upang maisagawa ang nararapat na pagresponde sa anomang sitwasyon sa gitna ng sakuna.

Bahagi ng adhikain ng OCD R1 na mas mapalakas pa ang aspeto ng pagtugon at paghahanda laban sa mga kalamidad ng rehiyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente rito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments