Sunday, February 22, 2026

𝗣𝗛𝗒 π—–π—”π—šπ—”π—¬π—”π—‘, π—§π—œπ—‘π—¨π—§π—¨π—žπ—”π—‘ π—”π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ— π—”π—§π—”π—šπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π—Ÿπ—”π—•π—”π—‘ π—žπ—’π—‘π—§π—₯𝗔 π——π—˜π—‘π—šπ—¨π—˜

β€ŽCauayan City – Inilatag ng Provincial Health Office (PHO) Cagayan ang mas pinaigting na estratehiya laban sa dengue sa ginanap na Regional 1st Quarter Dengue and Malaria Consultative Meeting upang mapanatiling mababa ang kaso ng sakit sa lalawigan at maiwasan ang posibleng pagtaas nito.
β€Ž
β€ŽBagama’t naitala ang mahigit 100 kaso lamang mula Enero hanggang Pebrero kumpara sa 271 noong nakaraang taon sa parehong panahon, iginiit ng PHO ang pangangailangan ng tuloy-tuloy na hakbang upang maiwasan ang outbreak at mapangalagaan ang kalusugan ng mga Cagayano.
β€Ž
β€ŽIbinahagi ni Nestor Santiago, Provincial Surveillance Officer ng PHO, na patuloy ang mahigpit na surveillance at koordinasyon sa mga Disease Reporting Units upang masiguro ang maagang pagtukoy at mabilis na pagtugon sa mga kaso.
β€Ž
β€ŽPinalalakas din ang pakikipag-ugnayan sa mga punong barangay, lokal na opisyal, at mga paaralan lalo na sa mga lugar na may aktibong kaso.
β€Ž
β€ŽBukod dito, plano rin ang mas malawak na information dissemination sa pamamagitan ng mga Information, Education, and Communication materials sa tulong ng Health Education and Promotion Officers.
β€Ž
β€ŽIsinasama rin ang dengue prevention sa mga pagpupulong ng Liga ng mga Barangay upang mas mapalawak ang kampanya sa komunidad.
β€Ž
β€ŽSource: CAGAYAN PIO
Photo for Ilustration Only

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments