Maramihang infrastructure projects ang nakatakdang isagawa sa Ilocos Region ngayon taon na nakapaloob sa P57. 4 Billion na budget ayon kay DPWH Regional Office 1 Director Ronnel Tan.
Sa kabuuang halagang nabanggit, PHP22.6 billion ang nakalaan sa Pangasinan; sinusundan ng Ilocos Norte na may budget na PHP15.7 billion ; La Union, PHP13.4 billion; at Ilocos Sur na may PHP5.7 billion budget.
Ang mga infrastructure budget na tinutukoy ay nakalaan para sa mga paggawa, repair maintenance ng mga kakalsadahan, tulay at mga flood-control projects.
Paglalahad ni Tan, nasa 213.1 kilometers ng national roads sa Ilocos Region ang nangangailangan ng maintenance at upgrade samantalang nasa 66.9 km ang nakatakdang isagawa.
Sa mga tulay naman ay nasa 67 ang kailangang isailalim sa rehabilitation habang 30.24 linear meters naman ang dapat gawin.
Samantala, ilan pa sa mga proyekto na nakatakdang isagawa ng tanggapan ay 119.27 meters ng flood control infrastructures, 120 farm-to-market road projects at 99 school buildings na may 494 silid-aralan.
Sa Pangasinan kabilang sa mga isasaayos at gagawin ay ang Bolinao-Dasol Coastal Road, Lingayen Bypass Road, Mangatarem-Sta. Cruz Road, at Pangasinan-Zambales Road hanggang Judge Jose De Venecia Boulevard Extension Road sa Binmaley at Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨