Patuloy na isinasagawa ng Philippine Army ang mga programa upang maging self-sufficient ang mga residente at kabataan sa banta ng insurgency sa lalawigan.
Apat na people’s organization na rehistrado sa Department of Labor and Employment ang kabilang kabuuang defense system.
Sa pahayag ni Philippine Army 71st Infantry Battalion Commander Lt. Col. Benny Singca, sinabi nitong kahit walang pulis o militar hindi tatanggap ng threat groups ang mga organisasyong ito sa kanilang lugar dahil sa pagiging self-sufficient ng mga ito.
Mula noong mailunsad ang Peace and Community Empowerment ng Philippine Army katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority at iba pang stakeholders, 14 indibidwal sa Mangatarem at 11 mula Infanta ang nakiisa dito.
Kabilang sa skills training na nakumpleto sa loob ng tatlong buwan ang masonry, carpentry, at scaffolding sa mga malalayong lugar.
Siniguro ni Commander Lt. Col. Benny Singca na patuloy din ang deployment ng community support at outreach programs katuwang ang ilang non-government at government entities. Kanila ring pinalalakas ang humanitarian assistance at disaster response capabilities kasama ang PDRRMO.
Kaugnay nito, sa naganap na courtesy call ng Pangasinan PNP Press Corps Officers, siniguro ni Regional Director ng PRO 1 PBGEN Lou Evangelista na insurgence-free ang lalawigan ng Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢 𝙣𝙚𝙬𝙨