Wednesday, January 21, 2026

𝗣𝗜𝗖𝗞 𝗨𝗣 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞 𝗡𝗔 𝗠𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡𝗘𝗛𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗡𝗗𝗔𝗟𝗢 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚-𝗞𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔𝗦𝗜𝗦

Bumangga ang minamanehong pick-up ni Capt. Shaun Ammiyao ng Philippine Army sa isang kulong kulong sa kahabaan ng Brgy. San Nicolas, Villasis.

Magkasalungat na direksyon ang tinatahak ng dalawang sasakyan nang bigla na lamang umanong sakupin ng pick-up ang linya ng tricycle na minamaneho ng tindero na si Rogelio Ramos, lokal sa lugar.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga ito at naitakbo naman sa pagamutan. Pawang negatibo rin ang resulta ng alcoholic breath test ng dalawa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments