Friday, February 20, 2026

𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗦𝗘𝗚𝗨𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗪𝗔𝗧𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗚𝗨𝗦𝗧𝗜𝗡 𝗠𝗣𝗦

Cauayan City – Nagsagawa ng pinaigting na operasyon ang mga tauhan ng San Agustin Municipal Police Station sa ilalim ng Isabela Police Provincial Office bilang bahagi ng kanilang mas pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad.

Kabilang dito ang E-SCUBA operations at inspeksyon sa mga economic key points, vital installations, at mga establisimyento sa nasabing bayan.

Layunin ng naturang aktibidad na mapigilan ang posibleng insidente ng pagnanakaw, partikular ang mga modus na iniuugnay sa tinatawag na “termite gang,” gayundin ang pag-iwas sa anumang hindi kanais-nais na pangyayari sa loob ng kanilang Area of Responsibility (AOR).

Sa pamamagitan ng mas pinaigting na presensya ng pulisya at inspeksyon, tiniyak ng San Agustin MPS ang kaligtasan ng mga negosyante, empleyado, at ng pangkalahatang publiko.

Ayon sa pulisya, patuloy ang kanilang isinasagawang visible at responsive policing upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa komunidad, at mapalakas ang tiwala ng mamamayan sa hanay ng kapulisan.

Binigyang-diin din ng mga awtoridad na ang ganitong mga hakbang ay patunay ng kanilang matatag na pangako sa pangangalaga ng buhay, ari-arian, at kabuhayan ng bawat mamamayan sa San Agustin.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments