
Cauayan City – Pumanaw na ang tinaguriang huling Arctic fox ng Ocean Park Hong Kong, na si Siu Gosa sa edad na 11 dahil sa age-related decline, na tuluyang nagmarka sa pagtatapos ng Arctic fox display sa Hong Kong matapos ang 14 na taon.
Ayon sa pamunuan ng parke, binawian ng buhay si Siu Go dahil sa irreversible organ failure, ilang linggo lamang matapos pumanaw ang kaniyang kasamang si Trinity.
Matatagpuan si Siu Go sa Polar Adventure zone ng parke at nagsilbing animal ambassador sa loob ng mahigit isang dekada, kung saan naging paborito siya ng maraming bisita.
Sa pagpanaw ni Siu Go, tuluyan nang isinara ang Arctic Fox Den.
Matatandaang, nagsimula ang naturang parke noong 2012 nang ipakilala ng Ocean Park ang mga Arctic fox, at ipinagdiwang noong 2014 nang maitala ang kauna-unahang locally born cubs sa parke.
Sa pagkawala ni Siu Go, ay mitsa ng pagkawala ng kabanata sa kasaysayan ng Ocean Park.
📸: Ocean Park
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










