𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗘𝗠𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗘𝗥𝗢 𝟭𝟳

Patuloy na nararanasan ang malamig na klima sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay PAGASA-Dagupan Chief Meteorologist Engr. Jose Estrada Jr. na naitala ng Pangasinan ang pinakamababang temperatura nito na 20.5°C noong Enero 17 taong kasalukuyan.

Aniya pa, naitala naman ang pangalawa sa pinakamababang temperatura na 21.5 °C noong Enero 14.

Dagdag pa ni Estrada, mararanasan ng Probinsya ng Pangasinan ang malamig na panahon hanggang sa ikalawang linggo ng Pebrero.

Samantala, pinayuhan ng opisyal ang publiko na magsuot ng kanilang mga jacket upang maiwasan ang mga sakit na maaaring makuha sa nararansang malamig na panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments