𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗘𝗫, 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Magkakasunod na pinakamataas na heat index ang naitala sa mga nagdaang araw partikular sa lungsod ng Dagupan, ayon sa PAGASA.

Pumalo sa 48°C ang naitala noong magkasunod na dalawang araw at ito ring pinakamataas na heat index sa buong bansa.

Nananatili rin ang Dagupan City sa mga listahan ng mga lugar sa bansa na closely monitored bunsod ng pagkakabilang nito sa danger category o 42 hanggang 51°C na naitatala na damang init.

Muling ipinaalala ng health authorities at LGUs ang paglimita ng mga physical activities sa tuwing nararanasan ang ganitong tinding init ng panahon maging ang hindi muna pagsasagawa ng outdoor activities sa pagitan ng alas diyes ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments