𝗣𝗜𝗡𝗦𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗗𝗨𝗟𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗜𝗠, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗞𝗔𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 – 𝗗𝗔 𝗥𝗙𝗢𝟭

Hindi nakakaapekto sa produksyon ng kasalukuyang panahon ng pagtatanim sa rehiyon ang naiulat na malaking pinsala sa mga pananim bunsod ng El niño ayon sa Department of Agriculture Regional Field Office 1.

Ayon kay DA-RFO1 Field Operations Division Chief Analiza Ramos, kabuuang P103.2 million ang naging crop damages sa rehiyon at nasa P50 million dito ay rice damages.

Samantala, sinabi naman ni DA-RFO1 Regional Executive Director Annie Bares, hindi naman ito nakakaapekto sa produksyon ng kasalukuyang panahon ng pagtatanim dahil karamihan naman sa mga pananim ay nasa kanilang vegetative stage at malamang na gumaling.

Inihayag rin ng naturang kagawaran ang planong mabilis na pagsubaybay sa pagtatayo at rehabilitation ng kanilang FY 2023 Small Scale Irrigation Projects sa buong rehiyon nang sa gayon ay makapagbigay na ito ng tulong sa mga magsasaka at madagdagan ang suporta sa tubig para sa mga tanim na nakararanas ng tagtuyot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments