Umabot na sa higit isang daang milyong piso ang naitalang danyos ng Bagyong Carina sa sektor ng agrikultura at imprastraktura sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa datos ng Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), P91M ang halaga ng pinsala sa imprastraktura habang P.88M naman sa agrikultura.
Ilan lamang sa mga apektado sa agrikultura ay ang mga palay na nalubog sa tubig at mga fish grower na umapaw ang kanilang mga fishpond.
Inaasahang tataas pa ang pinsala dahil sa pagbaba ng tubig mula sa upstream na maaring magdulot ng pagbaha sa iba pang barangay ng probinsiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments