𝗣𝗜𝗡𝗦𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗠𝗣𝗥𝗔𝗦𝗧𝗥𝗔𝗞𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘, 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗞𝗨𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢

Pumalo na sa higit kumulang isang bilyong piso ang tinatayang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyong Julian mula imprastraktura hanggang sektor ng agrikultura sa Ilocos Norte ayon sa Office of the Civil Defense Ilocos.

Sa inilabas na report, nasa higit 638 milyong pisong halaga ang tinatayang pinsala sa imprastraktura habang nasa higit 350 milyong pisong halaga naman sa sektor ng agrikultura sa probinsya.

Nasa 34,859 na mga pamilya ang apektado ng bagyo kung saan nanguna ang Laoag City sa bilang ng mga naapektuhan na nasa 8,578. Walong kabahayan naman ang lubhang napinsala habang nasa 31,099 naman ang mga kabahayang nalubog sa baha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments