Nasa pitong bayan at isang lungsod sa lalawigan ng Pangasinan ang higit na naapektuhan ng nagdaang Bagyong Enteng at Habagat ayon sa Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO).
Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Balungao, Dasol, Lingayen, Labrador, Mangatarem, Sta. Barbara, Malasiqui at Dagupan City habang ilang bayan din ang ang bahagyang nakaranas ng epekto nito.
Ayon kay PDRRMO Operations Head Vincent Chui, ilan pang mga barangay sa nabanggit na lugar ang nananatiling lubog sa baha.
Mayroon pang apat na pamilya sa lalawigan ang nananatili sa evacuation center at aasahang makakabalik na sa kani-kanilang bahay sa susunod na araw.
Samantala, nasa higit 30k pamilya o higit 100k na indibidwal ang naitalang naapektuhan ng kalamidad sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨