𝗣𝗟𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗔, 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗚; 𝟳 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

CAUAYAN CITY – Pitong katao ang binawian ng buhay matapos sumabog ang planta ng gamot na kanilang pinagtatrabahuhan sa bansang India.

Bukod dito, umabot din sa 30 indibidwal ang nagtamo ng sugat sa pagsabog sa pharmaceutical manufacturing plant na nakabase sa Andhra Pradesh state.

Nasa higit 10 bumbero rin ang nagtulong-tulong upang apulain ang nasabing sunog.


Kaugnay nito, hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa posibleng pinagmulan ng sunog.

Facebook Comments